Home HOME BANNER STORY Birth certificate ni Alice Guo, pinasawalang bisa ng Tarlac court – PSA

Birth certificate ni Alice Guo, pinasawalang bisa ng Tarlac court – PSA

350
0
Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Ang birth certificate ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo —na nasa gitna ng serye ng human trafficking probes na kinasasangkutan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO)—ay idineklara na walang bisa ng lokal na hukuman, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa sa Senate finance panel noong Biyernes na pinawalang-bisa ng Tarlac City Regional Trial Court Branch 111 ang certificate of live birth ni Guo noong Setyembre 24, 2025.

“This is a good news for the Philippine government, the Philippine Statistics Authority na… nai-declare ng RTC na void ang birth registration ni Alice Guo,” ayon kay Mapa.

Ang desisyon ng korte ng Tarlac ay dumating sa loob ng isang taon matapos iendorso ng PSA sa Office of the Solicitor General ang pagkansela ng birth certificate ni Guo.

Ang citizenship ni Guo ay kinuwestiyon dahil sa kanyang hindi magkatugmang mga testimonya tungkol sa kanyang background at ang diumano’y kahina-hinalang mga dokumento tungkol sa kanyang Filipino citizenship.

Kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Jail ang dating alkalde ng bayan ng Bamban.

Siya ay nahaharap sa maraming kaso kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa kontrobersya ng POGO tulad ng falsification of public documents, human trafficking, at graft. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here