Home NATIONWIDE Bisa ng El Niño info drive pinatatalupan ni Padilla

Bisa ng El Niño info drive pinatatalupan ni Padilla

MANILA, Philippines- Naghain ng resolusyon sa Senado na nagsusulong ng imbestigasyon sa pagiging epektibo ng information and awareness campaign ng bansa sa epekto ng El Niño.

Sa kanyang Senate Resolution No. 987, binigyang-diin ni Senator Robin Padilla ang “crucial role” ng access sa impormasyon upang mapangasiwaan ang alokasyon ng resources, maging epektibong koordinasyon at kolaborasyon, sa panahon ng krisis.

“Filipinos must be informed of up-to-date and necessary preparations and responses of the national and local government, as the country has been taking the brunt of dangerous levels of heat index, mainly attributed to the El Niño phenomenon,” saad sa panukala ng senador.

Gayundin, binanggit ni Padilla, pinuno ng Senate panel on public information and mass media, ang datos mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), na nagsasabing nagdulot ng tagtuyot ang El Nino sa hindi bababa sa 37 lugar.

Isa pang halimbawang binanggit ni Padilla ang mahigit 3,000 magsasaka at mangingisda sa Negros Occidental na apektado ng tagtuyot.

Dahil dito, iginiit ng senador na ang pagsasagawa ng awareness campaign ay “necessary to ensure that the public is well-equipped” ng “necessary knowledge” upang magpairal ng precautionary measures para maibsan ang epekto ng El Niño.

Inanunsyo ng Pagasa noong March 22 ang pagsisimula ng “tag-init” (summer) sa bansa, at nagbabalang maaari itong maging “one of the warmest” dry seasons na naitala sa Pilipinas dahil sa El Niño. RNT/SA