Home NATIONWIDE BJMP personnel tiklo sa pagpuslit ng marijuana oil

BJMP personnel tiklo sa pagpuslit ng marijuana oil

MANILA, Philippines – Arestado ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang tangkaing magpuslit ng high grade marijuana oil sa Manila City Jail.

Kinilala ang suspek na si Jail Officer 1 John Rey Manilete na nakatalaga sa MCJ.

Si Manilete ay nahulihan umano ng tatlong heringgilya na naglalaman ng 20 gramo ng liquid tetrahydrocannabinol.

Ayon naman sa MCJ, isang linggong isinailalim sa surveillance ang suspek matapos silang nakatanggap ng intelligence report na nagpapapasok umano ito ng kontrabando sa loob ng kulungan.

Nang nakatanggap muli ang pamunuan ng MCJ sa planong pagpapasok ng suspek ng kontrabando ay agad nang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Manila City Jail hanggang sa maharang ito sa ginawang inspeksyon bitbit ang isang package.

Nang inspeksyunin, natuklasan na ang dala niya ay marijuana oil.

Depensa ng suspek, ito ay gamot ng isang PDL na may epilepsy.

Sa imbestigasyon ng MCJ, na ang naturang illegal na droga ay kinukuha ng mga PDL katumbas ng malaking halaga para sa kanilang pot session sa loob ng piitan. Jocelyn Tabangcura-Domenden