MANILA, Philippines – Mahigit 113,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakinabang sa livelihood and skills training program ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na naghahanda sa kanila na maging produktibong mamamayan sa mainstream society sa kanilang paglaya mula sa pagkakakulong.
“This is what the Bureau of Jail Management and Penology hopes to give to over 113,000 persons deprived of liberty (PDLs) under its care: real change and a renewed sense of purpose. But behind this number are real stories of pain, hope, and transformation,” saad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), attached agency ng BJMP.
Sa ilalim ng programa ng BJMP, binanggit ng DILG ang ilang mga dating PDL na nabigyan ng bagong buhay, na humantong sa kanilang pagbabago bilang mga modelo para sa repormasyon.
Ilan sa mga halimbawa ng repormasyong ito ayon sa DILG, ay dating PDL sa Cebu ang nag enroll sa shielded metal arc welding training at ngayon ay nagtatrabaho bilang pipe fitter sa Al Jubail, Saudi Arabia. Mayroon naman sa Legaspi City na natutong gumawa ng mga doormat, “bayong” o katutubong bag, at dishwashing liquid na ngayon ay nakakapagpadala ng P1,000 kada linggo sa kanyang anak na Grade 12 student bilang isang livelihood worker.
Binigyang-diin ni DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na ang mandato ng BJMP ay i-rehabilitate at tiyaking makakabalik ang mga PDL bilang mga miyembro ng lipunan.
“Indeed, behind every bar of steel is a life that can still be changed. Through programs that restore dignity and rebuild hope, BJMP proves that justice in the Philippines is not only about confinement, but about compassion as well,” saad nito. RNT/MND