Bulacan – Dead on the spot ang Board Member at kanyang driver matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ang biktima na si Ramil Capistrano kasalukuyang Kapitan ng Brgy. Caingin, San Rafael at Association of Barangay Captains President of Bulacan at kanyang driver na si Shedrick Suarez.
Sa report ng pulisya, naganap ang pananambang nitong hapon ng Huwebes, Oktubre 3 sa Service Road, Brgy. Ligas, Malolos.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas nina Capistrano at ng driver lulan ng Mitsubishi Montero ang lugar nang paulanan ng bala ng suspek na kanilang agarang ikinamatay.
Patuloy ang imbestigasyon at follow up operation ng pulisya sa naturang krimen. Dick Mirasol III