MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Customs (BOC) nitong Martes na nalampasan nito ang target na kita para sa Enero 2026 ng mahigit kalahating bilyong piso.
Ayon sa BOC, umabot sa ₱80.744 bilyon ang nakolekta nitong Enero, mas mataas ng ₱513 milyon sa itinakdang target, na may collection efficiency na 100.6%. Mas mataas din ito ng 1.9% o ₱1.490 bilyon kumpara sa ₱79.254 bilyon na nakolekta noong Enero 2025.
Ipinagmalaki ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na ang magandang performance ay bunga ng “the collective efforts of Customs personnel and stakeholders committed to compliance and reform,” alinsunod sa hangarin ng administrasyon para sa economic stability at public safety.
“Exceeding our January target is a strong affirmation of the hard work of our Customs personnel and the growing cooperation of the trade community,” ani Nepomuceno.
“We are committed to sustaining this level of efficiency to support the President’s economic agenda and to demonstrate the BOC’s capacity to deliver reliable public service,” dagdag niya.
Sinabi ng BOC na pinalakas ng mga enforcement operation sa buong bansa ang kita, na nagresulta sa 66 matagumpay na operasyon at pagkakasamsam ng mga kontrabando at smuggled goods na nagkakahalaga ng tinatayang ₱886.8 milyon.
Kabilang sa pinakamalalaking nasamsam noong Enero ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit ₱309 milyon, kabilang ang ₱114.566 milyong halaga ng droga na itinago sa shipment na idineklarang malachite stones.
Nasamsam din ang ilegal na sigarilyo at produktong tabako na nagkakahalaga ng mahigit ₱209 milyon, kabilang ang pagsalakay noong Enero 28 sa isang ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Pampanga.
Bukod dito, nakumpiska rin ang mga sasakyan at sasakyang-pandagat na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱143 milyon, gayundin ang mga electronics na higit ₱221 milyon ang halaga, kabilang ang undeclared mobile phones na ₱1.68 milyon sa Port of Cebu.
“We remain fully committed to protecting our borders,” ani Nepomuceno, habang binanggit ang tulong ng Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, at Highway Patrol Group.
“Our enforcement is anchored on sustained, intelligence-led action that protects communities, supports legitimate trade, and strengthens public trust in Customs,” dagdag niya. RNT/MND