MANILA, Philippines – Binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon tungo sa magandang kinabukasan ng mga kabataan, ipinaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang suporta sa mga iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila.
Bukod sa scholarship na itinaguyod ni Go sa pamamagitan ng Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED), ang kanyang Malasakit Team ay namahagi ng meryenda, kamiseta, at bitamina sa 82 scholars habang ang ilan ay binigyan ng basketball at volleyballs sa isang pagtitipon sa University of Perpetual Help System Dalta sa Las Pinas City.
Layon ng CHED-TDP na tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang kanilang mga pangarap sa akademiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng suportang pinansyal, alinsunod sa misyon ng pamahalaan na magbigay ng inklusibo at dekalidad na edukasyon.
Sa kanyang mensahe sa mga iskolar, binigyang-diin ni Go, chairperson ng Senate youth committee, ang kahalagahan ng edukasyon at hinikayat ang mga mag-aaral na mag-aral nang mabuti dahil kinakatawan nila ang kinabukasan ng bansa.
“Education is the cornerstone of our nation’s progress. I stand firmly behind the growth and progress of our youth, as they are instrumental in shaping our future leaders,” sabi ni Go.
“Nananawagan ako ng pagkakaisa at pakikipagtulungan natin kasama ang mga ahensya ng gobyerno, at mga kapwa ko mambabatas na patuloy nating isulong ang mga inisyatibo para sa kabataan na kinabukasan at future leaders ng ating bayan,” dagdag niya.
Si Go ay co-author at co-spons ng RA 11510, na nag-institutionalize sa Alternative Learning System (ALS) para mapabuti ang paghahatid ng basic education sa mga estudyanteng kulang sa serbisyo at disadvantaged; RA 11984, o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act”, na nagbabawal sa mga institusyong pang-edukasyon na tanggihan ang karapatan ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit dahil sa hindi nababayarang bayad; RA 12006 o ang “Free College Entrance Examinations Act”, pagwawaksi ng mga bayarin sa entrance exam sa private higher educational institutions sa qualified top students; gayundin ang RA 11997, o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act,” na nagtataas ng mga allowance sa pagtuturo ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Bilang karagdagan, si Go rin ay co-author at co-sponsor sa mga panukalang batas na naglalayong mapabuti ang access sa edukasyon, kabilang ang Senate Bill Nos. 1360 at 1864.
Ang SBN 1360 ay layong palawakin ang saklaw ng subsidy sa tertiary education sa pamamagitan ng pag-amyenda sa RA 10931, ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na pinagtibay noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.







