MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Sandiganbayan Fifth Division Clerk of Court nitong Martes, Hunyo 2, na naghain ng petisyon si dating Public Works secretary Manuel Bonoan na mailagay sa ilalim ng hospital arrest.
Sa ngayon ay wala pang impormasyon kung ano ang basehan ni Bonoan sa naturang hiling at kung saang ospital nais na tumuloy ni Bonoan.
Si Bonoan ay naka-wheelchair nang dalhin ng mga awtoridad sa Sandiganbayan mula sa PNP General Hospital matapos maospital dahil sa mataas na blood pressure. RNT/JGC