Home ENTERTAINMENT Boss Toyo, prinesyuhan ang damit ni Nora ng P5M; Superstar, umayaw!

Boss Toyo, prinesyuhan ang damit ni Nora ng P5M; Superstar, umayaw!

130
0

Manila, Philippines – Hindi pera ang mahalaga kundi ang pagtulong.

Ito ang totoong sadya ng Superstar at National Artist for Film na si Nora Aunor sa shop ni Boss Toyo.

Tulad ng alam ng lahat, may puwesto ang content creator ding si Boss Toyo na namimili ng mga memorabilia ng mga kilalang celebrity.

Marami nang mga artista ang naging kliyente niya.

The last to have stopped by his shop ay si Ate Guy.

Bitbit ng aktres ang kanyang pinakatagu-tagong damit na isinuot niya nang maging kampeon sa Tawag ng Tanghalan more than 50 years ago.

Asang-asa pa mandin si Boss Toyo na ibebenta ‘yon ni Nora.

May naiisip na raw kasi siyang paglalagyan nito–sa itatayo niyang museo ng mga gamit ng mga artistang ibinenta sa kanya at binili niya.

Thinking Nora’s dress was up for sale ay pinresyuhan ito ni Boss Toyo ng tumataginting na P5M!

Pero ganoon na lang ang panlulumo nito nang sabihin ni Nora na hindi ‘yun ang kanyang pakay sa pagpunta sa shop nito.

Ang talaga raw purpose of visit ni Ate Guy ay para manghingi ng donasyon para sa mga kababayan niya sa Iriga sa Bicol na nasalanta ng nagdaang bagyong Kristine.

For sure naman ay hindi nagdalawang-isip si Boss Toyo na nag-abot ng kanyang ayuda. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here