Manila, Philippines – Inaasahan na ang awkward moment sa pagitan nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza bilang hosts sa Eat Bulaga.
Idagdag pa ang tensyong dala ng presensya ng ngayo’y Senate President na si Tito Sotto.
Bunga ito ng kontrobersyal na usapin tungkol sa mga maanomalyang flood control projects sangkot ang DPWH at ilang mga mambabatas.
Isa na nga sa nakaladkad ang pangalan ay si Quezon City Rep. Arjo Atayde na mister ni Maine.
Binubusisi nga ng Senado ang imbestigasyon.
Itinanggi na ni Arjo ang paratang, ipinagtanggol din siya ni Maine.
Pero hindi maiaalis ang sinasabing awkwardness sa pagitan ni Maine at ng mga taong may kaugnayan kay Pasig City Mayor Vico Sotto who promised to get to the bottom of the issue.
Natural na ang sampalataya ni Bossing ay nasa kanyang anak, na suportado din ng tiyuhing si Tito.
Dahil nga expected ang “ilangan” sa mga hosts ng Eat Bulaga kung kaya’t may kumakalat na balita to address the increasing tension.
Balak umanong i-assign si Maine sa ibang segment dahil awkward nga namang makita sila ni Bossing sharing one frame.
Hindi kaya umabot pa ito sa “forced leave of absence” ni Maine habang ongoing ang Senate hearing?