Home ENTERTAINMENT Bossing, magre-retire na sa pagsali sa MMFF?

Bossing, magre-retire na sa pagsali sa MMFF?

Manila, Philippines – Magreretiro na ba si Bossing Vic Sotto sa paggawa ng pelikula?

Sumusumpa kasi ang isang source na huling sali na ng TV host-comedian sa Metro Manila Film

Festival ngayong taong ito, which also marks its 50th year.

Seryoso nga ba si Vic nang sabihing last na ang The Kingdom entry nila ni Piolo Pascual?

The source says so.

Naikutan na naman daw ni Bossing ang lahat ng genre as he goes serious drama in this year’s entry.

Teka, parang for the most part of his life ay yes, puro comedy.

But action, suspense or thriller–parang wala pa kung sisipatin ang kanyang filmography.

Saka taliwas ‘yon sa narinig mismo mula sa bibig ni Bossing–at the mediacon of The Kingdom–that he’s challenging Piolo to do a comedy movie na puwede nilang pagsamahan.

Baka naman kasi ang ibig sabihin ni Bossing ay first and last na niyang pagdadrama ang mapapanood sa TK.

Siyempre, hinahanap-hanap pa rin ang brand of comedy ni Vic na nananatiling unparalleled! Ronnie Carrasco III