Home ENTERTAINMENT Boy, nagsalita na sa paghabilin ni Kris kay Bimby!

Boy, nagsalita na sa paghabilin ni Kris kay Bimby!

296
0

Manila, Philippines — Patuloy ang pagdarasal ni Boy Abunda para sa ikabubuti ng kalagayan ni Kris Aquino.

“I always pray for her well-being,” sabi ng King of Talk.

Sa kabila ng pinagdadaanan ni Kris, patuloy umanong bukas ang kanilang communication lines.

Nakukuha rin daw ni Boy na dalawin ito.

“We keep in touch. Pag may pagkakataon, dinadalaw ko siya.”

Paano ba ide-describe ni Boy ang sitwasyon ni Kris na dinapuan ng maraming klase ng autoimmune disease?

Aniya: “Mahirap kasing i-categorize ’yung sa kanya. Autoimmune is a very difficult condition.”

Samantala, naungkat ang tungkol sa habilin ni Kris kay Boy na alagaan si Bimby.

May nilinaw muna si Boy tungkol sa terminong habilin: “It’s a mishumor. May sakit man o wala si Kris, responsibilidad ko si Bimby bilang ninong at si Kris bilang kaibigan ko nang matagal na panahon.”

Ano naman ang update sa showbiz comeback ni Kris?

Tugon ni Boy: “Pinag-uusapan pa ’yon ngayon.”

Hopefully soon — dasal ng mga nagdarasal para kay Kris Aquino.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here