Home ENTERTAINMENT Boy, naniniwalang si Ahtisa ang 5th MU!

Boy, naniniwalang si Ahtisa ang 5th MU!

167
0

Manila, Philippines- Hope springs eternal.

Naaangkop ang kasabihang ito sa gut feel mismo ni Boy Abunda toward Ahtisa Manalo, our bet to this year’s Miss Universe.

Gaganapin ang pinakaprestihiyosong global pageant sa Thailand sa Nobyembre.

Kung matatandaan, ang Thailand din ang host country noong idaos ang MU in 2018.

Ito’y kung saan kinoronahan si Catriona Gray, the country’s fourth MU winner after Gloria Diaz in 1969, Margarita Moran in 1973 and Pia Wurtzback in 2015.

“You have what it takes to bring home the crown,” saad ni Boy nang isalang niya si Ahtisa sa Fast Talk.

Bale si Boy na rin ang magte-train kay Ahtisa sa Q & A portion as he did sa iba pang mga kumatawan sa bansa in recent years.

Kilalang mentor ng mga beauty queens ang tinaguriang King of Talk.

Ang paglahok ni Ahtisa sa MU ay bale ikatlong pagsabak na niya sa international pageant.

In Miss International 2018, Ahtisa finished first runner-up.

In Miss Cosmo 2024, isa si Ahtisa sa tinanghal na Top 10.

Magdilang-anghel kaya si Boy?

Who knows? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here