MANILA, Philippines – Hindi tatanggapin ng Commission on Elections (Comelec) ang barangay certificate, company ID, cedula, at police clearance bilang valid ID sa pagpaparehistro para sa barangay at SK elections.
Kabilang sa mga tinatanggap na dokumento ay national ID, postal ID, student ID, senior citizen at PWD ID, driver’s license, NBI clearance, pasaporte, UMID card, at lisensiya mula sa IBP at PRC.
Maaaring magpakita ng National Commission on Indigenous Peoples confirmation ang mga miyembro ng katutubong komunidad.
Ang nationwide voter registration ay mula Agosto 1 hanggang 10. RNT