Home METRO Brgy. Tambo makararanas ng 5 oras na blackout sa Hunyo 27

Brgy. Tambo makararanas ng 5 oras na blackout sa Hunyo 27

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na makararanas ng limang oras na pagkawala ng suplay ng kuryente ang mga residente ng Barangay Tambo sa Parañaque City sa darating na Huwebes, Hunyo 27.

Ayon sa Parañaque City Public Information Office (PIO), ipatutupad ng Meralco ang power interruption sa Barangay Tambo mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.

Sinabi ng Meralco na magsasagawa sila ng pagpapalit ng kanilang poste, line reconductoring works at pagkakabit ng karagdagang lightning protection devices sa may lugar ng Marina Baytown East Subdivision, Barangay Tambo.
Dagdag pa ng Meralco na ang mga maapektuhang lugar sa pagpapatupad ng power service interruption ay ang circuit BF- Parañaque 42WU- Parañaque City 45ZJ, Marina Baytwon East Subdivision, at ang Marina Bay Home.

Kaugnay nito ay pinaaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na maaapektuhan ng blackout na maghanda at gawin na ang mga nararapat na isaayos bago pa man maipatupad ang power service interruption sa kanilang mga lugar. (James I. Catapusan)