Home NATIONWIDE Rosary campaign vs agresibong Tsina ikakasa ng CBCP

Rosary campaign vs agresibong Tsina ikakasa ng CBCP

MANILA, Philippines – Hinimok ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na magdasal ng rosaryo sa gitna ng mga ulat ng pagsalakay ng China sa West Philippine Sea, ayon sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Magsisimula ang ‘Rosary Campaign’ sa Hunyo 27 at matatapos Hanggang Agosto 15, ang Kapistahan ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.

Hinimok din ni Archbishop Villegas ang mga tao , sa panahon ng kampanya na magsagawa ng mga gawa ng penitensiya at mga gawa ng kawanggawa “na may partikular na intensidad.”

“May the power of the rosary preserve our nation’s faith and freedom. May the power of the rosary crush the serpent’s head! May the power of the rosary drive away Satan’s power from our shores,”

“May God be honored by all that we do for our country, our people and their future; for our faith and our Church, for the freedom to believe and the freedom to worship as we believe,” sabi ng Arsobispo.

Nanawagan ang Arsobispo sa mga tao na ipagtanghol ang bansa para sa mga uniformed personnel na nagpapatrolya sa katubigan ng Pilipinas, protektahan ang mga mangingisda at itaguyod ang pambansang soberenya.

Hinimok din niya ang mga mambabatas na magsagawa ng imbestigasyon ,mga tagausig at mga hukom na “itaguyod ang hustisya” at usigin ang mga indibidwal na “nagpahina sa mga prosesong legal at administratibo, na nanganganib sa pambansang seguridad at interes.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)