Home METRO 24 pakete ng hinihinalang shabu nakitang palutang-lutang sa dagat

24 pakete ng hinihinalang shabu nakitang palutang-lutang sa dagat

ILOCOS SUR- Dalawampu’t apat na pakete ng hinihinalang shabu ang natagpuang palutang-lutang sa dagat sa Brgy. Solotsolot, San Juan ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 24.

Ang mga pakete ng hinihinalang shabu na palutang-lutang sa dagat sa layong 16-nautical miles mula dalampasigan ay nadiskubre ng dalawang mangingisdang nakasakay ng motorized banca na noo’y pauwi na matapos manghuli ng mga isda.

Inakala nilang mga basura ang mga ito kaya kinuha nila para hindi pakalat-kalat sa dagat ngunit nang makita nila na ang mga pakete ay may laman na white crystalline substance, agad nilang ipinagbigay-alam ito sa San Juan Municipal Police Station para malaman kung ano ito.

Tinatayang tumitimbang ng humigit-kumulang sa isang kilo ang kada pakete. Rolando S. Gamoso