Home SPORTS Porzingis ooperahan, out na sa Olympics

Porzingis ooperahan, out na sa Olympics

LOS ANGELES – Hindi makakasama si Boston Celtics star Kristaps Porzingis sa Olympics sa susunod na buwan matapos magpasyang magpaopera sa pinsala sa binti,ayon sa NBA team kahapon.

Dumanas ang Latvian power forward ng “bihirang” leg injury sa Game 2 ng NBA Finals noong unang bahagi ng buwang ito at sasailalim sa operasyon para ayusin ang problema.

“The injury doesn’t allow for consistent play at the level required for Olympic competition. Surgery will be performed in the coming days, and further updates will be provided when available,”  sabi ng Celtics.

Nagdusa si Porzingis ng 38-araw na layoff matapos masugatan ang kanyang kanang hita noong Abril, bago lumabas sa bench para maglaro sa game one ng NBA Finals para sa Celtics.

Naglaro siya sa dalawang laro ngunit nagdusa ng “torn medial retinaculum na magreresulta sa dislokasyon ng posterior tibialis tendon sa kanyang kaliwang binti”.

Dahil sa injury na iyon, hindi siya nakapasok sa Game 3 at 4 ng NBA Finals, bagama’t bumalik siya mula sa bench para maglaro ng 16 minuto sa game five habang tinapos ng Celtics ang 4-1 series na tagumpay.JC