Home METRO Broadcaster na tinambangan sa Albay, pumanaw na; P25-K pabuya sa makapagturo ng...

Broadcaster na tinambangan sa Albay, pumanaw na; P25-K pabuya sa makapagturo ng gunman alok ng mambabatas

299
0

ALBAY, Philippines – Nag-alok ng halagang P25,000 pabuya ang mambabatas sa probinsyang ito sa sinomang makapagturo o makahuli sa gunman ng namatay na broadcaster matapos tambangan at pagbabarilin ng mga salarin noong Lunes sa bayan ng Guinobatan.

Nitong Martes bandang 2:00 PM binawian ng buhay matapos operahan sa Bicol Regional Hospital and Medical Center, Legazpi City si Noel Bellen Samar, 54, ng Kadunong ITV at DWIZ, na nagtamo ng apat na tama ng bala mula sa .45 kalibreng baril.

Matatandaan na noong Lunes tinambangan ng dalawang riding in tandem ang biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Morera, Guinobatan.

Mariin naman kinondena ni Albay 3rd District Rep. Joey Salceda ang pagpaslang kay Samar at nag-alok ng ₱50,000 bilang tulong sa pamilya ng biktima at ₱25,000 bilang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon laban sa mga salarin.

Ayon naman kay Col. Noel Nuñez, provincial director ng Albay Police, may person of interest na sa insidente at nangakong tututukan ang kaso hanggang makamit ang hustisya.

“Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya, 100 porsyento, para maresolba ang kasong ito. Hindi kayo makakatakas sa batas,” ani Nuñez. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here