MANILA, Philippines -Ang BRP Teresa Magbanua ay nasira at bumalik sa lalawigan ng Bataan para sa “minor repairs,” ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa kabila nito, tiniyak ng PCG sa publiko na nananatili itong “determinado sa pangako nitong pangalagaan ang ating maritime jurisdiction.”
Iginiit ng PCG Islander ang matatag na posisyon laban sa iligal na presensya ng Chinese monster ship sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-isyu ng radio challenge.
Binibigyang-diin nito na ang CCG vessel ay kumikilos sa Philippine maritime jurisdiction at kulang sa legal na awtoridad ang China para i-claim na nagsasagawa ito ng mga lehitimong maritime patrol operations.
Huling namataan ang Chinese vessel sa humigit-kumulang 67 nautical miles sa baybayin ng Zambales, sinabi ng ahensya.
Noong nakaraang linggo, kinumpirma ng PCG ang presensya ng CCG vessel mga 54 nautical miles sa baybayin ng Capones Island. Jocelyn Tabangcura-Domenden