Home NATIONWIDE BSP tapos na sa rate hikes – Fitch unit

BSP tapos na sa rate hikes – Fitch unit

MANILA, Philippines – Tapos na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagtataas ng interest rates, sinabi ng subsidiary ng Fitch Solutions nitong Lunes, Enero 8.

“We think that the Philippine hiking cycle has finally concluded following the BSP’s meeting on December 14,” ayon sa BMI.

Pinanatili ng BSP ang benchmark target reverse repurchase rate (RRP) sa 6.5 percent noong Disyembre, ang ikalawang sunod na “pause” matapos ang off-cycle 25 basis points (bps) hike noong Oktubre.

Sa briefing, sinabi ng BMI na binabawasan ng paggaan ng price pressures sa pangangailangan ng BSP na magkaroon ng panibagong interest hikes upang masolusyunan ang inflation expectations.

Anang BMI, ang inflation ay mabilis na bumabagal na higit pa sa kanilang prediksyon. Bumagal ito ng 3.9% noong Disyembre 2023.

“We believe this downward trend will persist, and project that inflation will average 3.9 percent in 2024. If we are right, inflation will pose a diminishing concern in the ensuing months,” ayon sa BMI.

Sinabi rin ng BMI na umaasa silang tatapyasan ng BSP ang interest rates sa ikalawang bahagi ng 2024.

“A pre-emptive return to monetary loosening could not only de-anchor inflation expectations but also weaken the Philippine peso,” ayon sa BMI.

“2024 is set to be a stellar year and we forecast the economy to expand by 6.2 percent,” dagdag pa.

Noong Nobyembre, sinabi ng BMI na nakita nilang ang ekonomiya ng bansa ay lumago ng 5.7% noong 2023. RNT/JGC