Ipinakita ni Senate Committee on Finance, Senador Sherwin Gatchalian ang kopya ng budget document transparency indicator na kanilang gagamitin para sa 2026 national budget.Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Senator Gatchalian na personal na kanilang tututukan ang budget para sa edukasyon gaya ng naging pahayag ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang katatapos lamang na State of the Nation Address o SONA na pinahahalagahan ang edukasyon at ang mga programa.Ayon pa sa senador, sa kanyang pamamahala, hindi lang basta ang National Expenditure Program at General Appropriations Act ang
makikita ng publiko dahil isasapubliko rin nila ang iba pang dokumento tulad ng General Appropriations Bill at committee report. CESAR
MORALES