Home NATIONWIDE Budget sa PNP IT Program pinababalik ni PBBM

Budget sa PNP IT Program pinababalik ni PBBM

MANILA, Philippines – PINABABALIK ni Pangulong Ferdinand ‘ Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) ang pondong inilaan para sa IT program ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang pondo ay ilalaan para sa integrated 911 system ng bansa.

”So, as instructed by the President sa ating Budget Secretary ay iri-revert ang budget ng IT at tatanggalin iyong additional 500 million pesos intelligence fund na nilagay sa GAA. So, return to original budget ng 820 million yata ang nasa PNP, naging 1.3 billion – ibabalik na naman sa dati siya,” ang sinabi ni Remulla sa press briefing sa Malakanyang.

Sinabi pa ng Kalihim na ang iba’t ibang PNP IT projects ay nakakuha ng budget cuts sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Kabilang sa mga proyekto ay ang Enhancement of the National Police Clearance System, na natapyasan ang budget kung saan mula sa P600 million sa National Expenditure Program (NEP) ay naging P232 million ito; pagtatatag ng Safe Camp Security System, natapyasan mula P472 million ay naging P161 million; at PNP Drug-Related Data Integration and Generation System, kung saan tinapyasan ang pondo nito mula P533 million ay naging P196 million.

Winika pa ni Remulla na habang ang mga mahahalagang IT programs ay pino-pondohan, may P1 billion ang inilaan para sa pagkuha ng All-Terrain Amphibious Vehicles para sa Bicol Region, at karagdagang P500 million ay idinagdag naman sa intelligence fund ng PNP.

Bilang tugon, ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos kay Budget Secretary Amenah Pangandaman na ibalik ang budget ng IT program ng PNP sa ‘original amount’ nito at alisin ang karagdagang P500 million na inilaan sa intelligence fund.

“As instructed by the President sa ating (to our) Budget Secretary, ire-revert ang budget ng IT at tatanggalin yung additional P500 million intelligence fund na nilagay sa GAA (The budget for IT will be reverted while the P500-million intelligence fund in the GAA will be removed). So return to original budget,” ang winika ni Remulla.

“The reversion of the budget cuts and the removal of the intelligence fund will free up funds, which will be reallocated to support the integration and enhancement of the 911 emergency hotline system,” ang sinabi ng Kalihim.

Sinabi pa n DILG na ang karagdagang intelligence fund para sa PNP ay hindi tinalakay sa budget deliberations sa Kongreso.

“Dinagdag lang nila kaya nagtataka din kami kaya pinatanggal na rin,” sinabi pa ng departamento. Kris Jose