MANILA, Philippines – Isang solo bettor ang buena manong naging pinakabagong milyonaryo matapos maiuwi ang P57 milyong Megalotto 6/45 jackpot prize na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Miyerkules.
Tama ang hula ng bettor sa 06-41-29-12-02-15 na kumbinasyon para maiuwi ang P57,030,072 jackpot prize.
Samantala, walang nanalo para sa Grand Lotto 6/55 matapos walang nakahula sa kumbinasyon ng 45-44-50-38-55-42 para manalo sana ng P29.7 milyon na premyo. RNT