Home NATIONWIDE Bulacan angkop na maging host ng PH food security projects – Villanueva

Bulacan angkop na maging host ng PH food security projects – Villanueva

285
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Joel Villanueva nitong Sabado, Hulyo 12, na ang probinsya ng Bulacan ay may potensyal na makapag-host ng ilang food security projects na inaprubahan ng Board of Investments hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Mayroong 31 food security projects na nagkakahalaga ng P18.7 billion na binigyan ng Green Lane certifications ng BOI na inaasahang lilikha ng 7,000 trabaho.

Itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Green Lane sa pamamagitan ng Executive Order 18 noong Pebrero 23, 2023 upang gawing simple, mabilis at gawing awtomatiko ang government approval at registration processes para sa strategic investments.

Sa news release, sinabi ni Villanueva na kabilang sa mga proyekto ay ang modern breeder farms, isang coconut processing facility, at cold storage facility na maaaring mailatag sa Bulacan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Villanueva na ang Central Luzon ay ang pinakamalaking producer ng bigas at livestock sa bansa.

“The province can benefit from more cold storage facilities for aquaculture products for domestic consumption and export of prawn, crabs, and milkfish.”

Dagdag pa ni Villanueva na ang kanyang home province ay inaasahang magiging strategic economic hub sa bansa na may ‘diverse economy, skilled workforce,’ at mas mabilis na access sa free ports sa Subic at Bataan.

“Bulacan is a natural extension of Metro Manila going to the north. The rails are coming, the airport is being constructed, more roads are being built,” anang senador.

Ayon sa PSA, ang probinsya ay may ikaapat na pinakamalaking ekonomiya sa labas ng Metro Manila pagdating sa share nito sa national gross domestic product, na nag-ambag ng P631.64 bilyon noong 2023.

Samantala, hinimok niya ang Bulacan provincial governemnt na patuloy na paghandaan ang upsurge sa investments sa pamamagitan ng upskilling ng mga manggagawa at ihanda ang mga negosyo para sa mas competitive na landscape.

“All hands should be on deck, from the local government, to the academe, the business sector, and other stakeholders. We want to show we are ready for every opportunity,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here