Home METRO Bulacan, bumuo ng task force kontra sa epekto ng El Niño

Bulacan, bumuo ng task force kontra sa epekto ng El Niño

1
0

BULACAN, Philippines – Bumuo ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ng isang Task Force upang tugunan ang mga posibleng epekto ng matinding El Niño.

Nagpatawag ng agarang pagpupulong nitong Oktubre 8 sa The Pavillion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa pangunguna nina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gobernador Alex Castro.

Dumalo sa pulong sina 1st District Board Member Michael Aquino, Provincial Administrator Anne Constantino, PDRRMO Head Ret. Col. Manuel Lukban, mga kinatawan ng Provincial Health Office at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Layunin ng Task Force na bumuo ng mga estratehiya at hakbang upang mabawasan ang epekto ng El Niño at maprotektahan ang mga residente ng lalawigan sa pamamagitan ng koordinasyon at maagang pagpaplano. RNT/MDS/larawan kuha ni Val Leonardo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here