Home NATIONWIDE Bulkang Taal nakapagtala ng 2 phreatic events – PHIVOLCS

Bulkang Taal nakapagtala ng 2 phreatic events – PHIVOLCS

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng dalawang mahinang phreatic events sa Bulkang Taal nitong Sabado, Hunyo 30.

Ayon sa abiso, nangyari ang steam-driven events bandang 2:31 ng hapon at 2:39 ng hapon na nagdulot ng 800-meter plumes.

Tumagal ng tig-isang minute ang bawat phreatic events.

Samantala, tinatayang nasa average sulfur dioxide (SO2) emission na 6,571 tonnes per day ang naitala noong Biyernes na mas mababa sa average na 7,895 tonnes per day mula noong Enero.

“Weak phreatic activity is likely driven by the continued emission of hot volcanic gases at the Taal Main Crater and could be succeeded by similar events,” saad sa abiso.

Sa kabila nito, “the background levels of volcanic earthquake activity and ground deformation detected at Taal indicate that unrest is unlikely to progress into a magmatic eruption,” dagdag pa.

Nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC