Home NATIONWIDE Bus company na nakaaksidente sa NLEX sinuspinde ng DOTr

Bus company na nakaaksidente sa NLEX sinuspinde ng DOTr

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ang kumpanyang may-ari ng bus na naaksidente sa NLEX, Valenzuela noong Lunes ng gabi, ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon.

Galing Bulacan at patungong Monumento ang bus nang bumangga ito sa van at dump truck matapos magpalit ng linya.

Dalawang pasahero ang nasaktan.

Ihahatid ng LTFRB ang suspension order ngayong Martes. RNT