Home METRO Buwanang job fairs, ipagpapatuloy ng DOLE

Buwanang job fairs, ipagpapatuloy ng DOLE

227
0

MANILA, Philippines – Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nananatiling dedikado sa pagbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga job fair sa iba’t ibang rehiyon.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang dekalidad na trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

Sa paunang datos ng Bureau of Labor Employment (BLE), mahigit 2,400 na indibidwal; ang agad na natanggap sa trabaho (hirap on the spot o HOTS) noong Enero 2026 mula sa 47 job fairs na ginanap sa ibat-ibang lugar.

Ang bilang ng HOTS ay inaasahang tataas pa habang patuloy ang BLE sa pangangalap at pagberipika ng datos.

Nanguna ang National Capital Region (NCR) na may higit sa 1,160 na HOTS mula sa 10 job fairs noong Enero, sinundan ng Rehiyon 1 na may higit sa 300 HOTS mula sa walong job fairs, at ang Rehiyon 6 at 9 na may tig-180 HOTS.

Bukod dito, 163 ang agad na natanggap sa unang job fair ng Rehiyon 7 ngayong taon na ginanap sa Cebu, habang nakapagtala ang Gitnang Luzon ng kabuuang 106 HOTS mula sa limang job fairs.

Noong 2025, matagumpay na nakapagsagawa ang DOLE ng 2,356 job fairs sa buong bansa.

Sinabi ni BLE Director Patrick P. Patriwirawan Jr. na magpapatuloy ang DOLE sa buwanang pagsasagawa ng mga job fairs bilang bahagi ng utos ni Secretary Bienvenido E. Laguesma na bigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na makahanap ng trabaho ngayong 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here