MANILA, Philippines – Magpapatupad ng limitadong biyahe ang Pasig River Ferry Service sa Nobyembre 17 at 18 kaugnay ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at mga kaugnay na pagpupulong, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa advisory ng MMDA, ang mga biyahe lamang mula Pinagbuhatan patungong Guadalupe at mula Guadalupe patungong Polytechnic University of the Philippines (PUP) station ang isasagawa.
Karaniwang bumibiyahe ang ferry service mula Pinagbuhatan sa Pasig City hanggang Escolta sa Maynila.
Idineklara ng MalacaƱang na special non-working days ang Nobyembre 16 hanggang 18 sa Metro Manila dahil sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit at Related Summits.
Gaganapin ang pangunahing pagpupulong sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. RNT/MDS