Home ENTERTAINMENT Byeon Woo Seok dumating na sa Pilipinas!

Byeon Woo Seok dumating na sa Pilipinas!

MANILA, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang Korean actor na bumida sa hit K-drama na ‘Lovely Runner’ na si Byeon Woo Seok.

Gabi ng Huwebes, June 20 nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinasakyan ng actor.

Ang pagpunta ni Byeon Woo Seok sa Pilipinas ay para sa kanyang sold-out show na ‘Summer Letter’ fan meeting sa New Frontier Theater sa Sabado, June 22.

Matatandaan na ilang minuto lamang matapos ang ticket selling ay naubos kaagad ng mga ticket para sa fan meeting dahilan para humiling ang mga fans na magdagdag pa ng araw para rito.

Sa kabila nito, hindi napagbigyan ang hiling ng mga fans dahil sa hectic schedule ni Byeon Woo Seok. RNT/JGC