Home NATIONWIDE CAAP humingi ng paumanhin sa mga naperwisyong pasahero ng eroplano

CAAP humingi ng paumanhin sa mga naperwisyong pasahero ng eroplano

MANILA, Philippines – HUMINGI ng paumanhin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga pasahero ng airline na naapektuhan ng pagkaantala ng mga flight dahil sa aberya sa software ng Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng CAAP na hindi bababa sa 38 domestic flights at 21 international flights ang naantala habang tatlong flights ang kinansela noong Lunes, Mayo 21, sa naganap na glitch.

Ang nasabing aberya ay namonitor bandang tanghali noong Lunes sa Flight Data Processing System (FDPS) ng ATMS, na nagpoproseso ng impormasyon sa flight plan at iba pang data upang suportahan ang mga operasyon ng air traffic control.

Sa ginawang assessment, natuklasan ng mga tauhan na ang FDPS ay hindi nakapagpadala ng flight data sa mga workstation ng controller gaya ng inaasahan. Naapektuhan nito ang daloy ng trapiko sa loob at labas ng Maynila.

Nabatid na agad nakipag-uganayan ang CAAP kay Thales, ang provider ng solusyon nito upang kumonsulta sa isyung ito at magbigay ng remote support. JAY Reyes