MANILA, Philippines – Wala pang malaking pinsala sa mga paliparan bilang resulta ng Super Typhoon Uwan ang naiulat sa ngayon, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Linggo.
“So far wala pa namang reported na damage…Minimal pa lang ang nare-receive namin especially sa Bicol Region,” ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio.
Idinagdag ni Apolonio na 233 flight na naka-iskedyul para sa Linggo ay nakansela: 193 domestic at 40 international.
Sa mga flight nitong Lunes, 148 domestic flights at 19 international flights ang nakansela.
Sinabi rin niya na ang mga pasahero na na-stranded sa alinman sa 44 na paliparan na pinapatakbo ng CAAP ay binibigyan ng maiinit na pagkain at tulong. RNT/MND