MANILA, Philippines- Tumama ang buhawi sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Miyerkules, batay sa ulat.
Makikita sa isang CCTV footage na halos zero visibility sa lokalidad dahil sa malakas na hangin at ulan.
Binayo ng buhawi ang mga kabahayan, winasak ang mga bakod, and binunot ang mga puno.
Base sa uploader, tumagal ang buhawi ng limang segundo.
Nagkaroon din ng pagbaha sa lugar, kung saan walang naitalang nasaktan.
Paliwanag ng PAGASA, walang aktibong bagyo sa bansa, subalit maaaring makaranas ng pag-ulan ang ilang lugar dahil sa Southwest Monsoon at localized thunderstorms.
Maaaring mabuo ang buhawi tuwing intense thunderstorms. RNT/SA