Home NATIONWIDE Cacdac nagpapasalamat sa Hong Kong sa taas-sahod ng OFW domestic workers

Cacdac nagpapasalamat sa Hong Kong sa taas-sahod ng OFW domestic workers

498
0

MANILA, Philippines – Nagpasalamat si Kalihim Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamahalaang Hong Kong sa pag-apruba ng 2.2% na pagtaas sa minimum allowable wage ng mga dayuhang domestic workers, na itinaas ang sahod ng mga Pilipino mula HK$4,990 tungo sa HK$5,100 kada buwan.

Aniya, mas mataas ito sa USD500 minimum wage na nakasaad sa Enhanced Reforms for Domestic Workers.

Binanggit din niya na mahalaga ang Hong Kong bilang lugar kung saan maaaring mapaunlad ang kasanayan ng mga Pilipinong domestic workers at makatanggap ng pagsasanay.

Bumisita si Chris Y H Sun, Hong Kong Labor and Welfare Chief, sa OFW Global Center Hong Kong, na nagbibigay ng serbisyo sa higit 200,000 Pilipinong domestic helpers, na bumubuo ng 10% ng workforce ng Hong Kong.

Ayon kay Sun, pinagtibay ng kanilang pulong ang pakikipagtulungan para sa proteksyon at suporta sa mga Pilipinong manggagawa sa lungsod.

Kasabay ng anunsyo sa sahod ang Labor Migration Management Plan (LaMMP) Stakeholders’ Workshop, na tumutok sa reintegration, community support, at mga patakaran upang mapabuti ang karanasan ng mga OFW sa trabaho sa ibang bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here