Nakuha ni senatorial candidate Camille Villar ang suporta ng mga opisyal sa Bataan gaya nina Rep. Abet Garcia, Mayor Efren Pascual Jr., at Board Member Tony Roman.
Ibinahagi ni Villar na taga-Orani ang kanyang lola kaya malapit sa puso niya ang Bataan.
Nangakong bibigyang-priyoridad niya ang agrikultura at pangisdaan sa lalawigan, gayundin ang kapakanan ng kababaihan at kabataan, edukasyon, pabahay, financial literacy, at paglikha ng kabuhayan at trabaho kung mananalo siya sa 2025 eleksyon. RNT