Home NATIONWIDE Campaign contributors nina Sen. Escudero at Marcoleta, ipinatawag ng Comelec

Campaign contributors nina Sen. Escudero at Marcoleta, ipinatawag ng Comelec

23
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Commission on Elections ang campaign contributors nina Senator Francis Escudero at Rodante Marcoleta para sagutin ang mga reklamong inihain laban sa kanila kaugnay ng May 2025 polls.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, pinagdalhan ng subpoena si Lawrence Lubiano, ang campaign contributor ni Escudero; at sina dating party-list Rep. Michael Defensor, Joseph Varias Espiritu, at Aristotle Baluyut Viray, mga contributor ni Marcoleta.

Sinabi ni Garcia na ang kaso ay nag-ugat sa magkahiwalay na pormal na reklamong inihain ng mga pribadong indibidwal, na iba sa motu proprio fact-finding inquiry na una nang isinagawa ng poll body kung saan wala silang nakitang matibay na ebidensya laban sa mga mambabatas.

Base rin sa mga available na dokumento at available na ebidensya, walang complainant at walang nakalap na ebidensya.

Aniya, ang posibleng paglabag sa mga patakaran ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay hindi awtomatikong magreresulta sa diskwalipikasyon, ngunit maaaring ituring na isang paglabag sa halalan depende sa mga matutuklasan.

“Yung tinatawag na violation of the SOCE is not a ground for disqualification. Later on, baka kung mabigo kang mag-file ng SOCE ng dalawang beses, it will be a perpetual disqualification to hold public office,” sabi ni Garcia.

Una rito, nagsampa ng reklamo ang abogadong si Jesus Falcis laban kay Escudero, habang inutusan ang Comelec Law Department na magsagawa ng preliminary investigation laban sa tatlong contributor dahil sa hindi pagsumite ng kanilang report of contributions isang buwan matapos ang pambansang halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here