Home HOME BANNER STORY Campaign, election period sa BARMM tuloy sa kabila ng SC TRO —...

Campaign, election period sa BARMM tuloy sa kabila ng SC TRO — Comelec

282
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na nananatiling epektibo ang campaign at election periods para sa Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oktubre 13, 2025, sa kabila ng temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban sa pagpapatupad ng Bangsamoro Autonomy Act (BAA) 77.

“The campaign and election periods… are not lifted, and all election prohibitions in connection therewith remain in effect,” ayon sa Comelec sa Memorandum 251266. Magpapatuloy rin ang pagproseso ng mga kahilingan kaugnay ng election prohibitions alinsunod sa batas.

Nauna nang sinuspinde ng Comelec ang paghahanda para sa halalan bilang pagsunod sa TRO na nagbabawal sa Comelec, Bangsamoro Transition Authority (BTA), at iba pa na ipatupad ang BAA 77. Ang naturang batas ay naglalayong i-reallocate ang pitong distrito matapos ideklara ng Korte Suprema na hindi bahagi ng BARMM ang Sulu.

Ayon kay Comelec chair George Erwin Garcia, hindi pa rin tiyak kung matutuloy ang halalan sa Oktubre 13, na dati nang ipinagpaliban mula Mayo matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na nagreschedule ng halalan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here