Home HOME BANNER STORY Canada naglabas ng travel advisory: Byahe sa M’danao iwasan; mag-ingat sa ibang...

Canada naglabas ng travel advisory: Byahe sa M’danao iwasan; mag-ingat sa ibang parte ng Pinas

329
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Canada sa mga mamamayan nito laban sa paglalakbay sa karamihan ng Mindanao at nagpayo ng “mataas na antas ng pag-iingat” sa ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa krimen, terorismo, at kidnapping.

Kasama sa mga probinsyang dapat iwasan ayon sa abiso ng Canada ay ang: Basilan, Cotabato, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Maguindanao, Misamis Occidental, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Pinayuhan din ang mga mamamayan na iwasan ang hindi mahalagang paglalakbay sa Central at Eastern Mindanao, kabilang ang: Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur (maliban sa Davao City), Davao Occidental, Davao Oriental, Misamis Oriental, Surigao del Norte (maliban sa Siargao Island), at Surigao del Sur.

Kasabay ito ng ulat na bumisita sa Pilipinas noong Nobyembre ang mga gunman sa Bondi Beach sa Sydney, Australia, bagama’t wala pang kumpirmadong pagsasanay na naganap sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here