Home NATIONWIDE Cancelled flights ngayong Martes dahil sa masamang panahon

Cancelled flights ngayong Martes dahil sa masamang panahon

262
0

MANILA, Philippines – Nagkansela ng ilang flights ngayong Martes, Agosto 26, 2025 dahil sa banta ng masamang panahon, na nakaapekto sa mahigit 320 pasahero, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinabi ng CAAP na ang mga sumusunod na flight ay kinansela:

  • Philippine Airlines (PAL) Express Flight PR2558  (bound for Dipolog, Zamboanga del Norte)

  • PAL Express Flight PR 2889/PR2890 at Ozamis Airport (Manila-Ozamiz-Manila)

May kabuuang 325 pasahero ang naapektuhan mula sa parehong mga kanselasyon.

Sa pagtataya ng panahon nitong alas-5:00 ng umaga, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang low pressure area at ang southwest monsoon o “habagat” ay magdadala ng mga pag-ulan sa karamihang bahagi ng bansa.

Ang ilang bahagi ng Luzon, partikular ang Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), at Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa LPA.

Samantala, ang “habagat” ay maaaring magdulot ng pag-ulan sa Palawan gayundin sa Visayas at Mindanao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here