Home METRO Candon City PNP, handang-handa na sa Undas 2026

Candon City PNP, handang-handa na sa Undas 2026

5
0

ILOCOS SUR, Philippines – Planadong-planado ang mga gagawin ng Candon City Police Station ngayong All Saints’ Day at  All Souls’ Day ayon sa kanilang Information Officer na si Police Lt. Jovelyn R. Antalan.

Sinabi ni Antalan na maglalagay sila ng mga police assistance center sa mga sementaryo sa lungsod para bantayan ang sitwasyon sa loob at labas nito.

Bukod dito, tutulong din ang mga police personnel sa pagma-manage ng trapiko.

Kasama ng mga madedeploy na PNP personnel ang mga barangay tanods, advocacy support groups, barangay officials at mga volunteer groups.

Bukod sa mga sementeryo, mahigpit na babantayan rin ng awtoridad ang mga iba pang matataong lugar tulad ng bus terminals, palengke, at malls.

Panawagan ni Antalan sa mga pupunta ng  sementeryo sa November 1 at 2 na huwag magdadala ng mga matatalim o matutulis na bagay dahil kukumpiskahin nila ang mga  ito sa oras na may makita sila.

Ayon pa kay Antalan, may mga nakatalagang parking area para sa mga motorsiklo, tricycle at 4-wheels.

Ang paalala ni Antalan ay pumarada lang sa tamang paradahan para hindi sisikip ang daan. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here