Home ENTERTAINMENT Carla, dedma na kay Tom!

Carla, dedma na kay Tom!

Manila, Philippines – When Carla Abellana was asked if she has moved on already after her failed marriage with Tom Rodriguez, she said affirmatively that she has already moved on

and has, concomitantly, found her peace.

Suffice to say, sinagot niya lahat ng personal questions, particularly her failed marriage with fellow Kapuso star Tom Rodriguez.

Anyway, Carla signed up her contract with All Access to Artists o Triple A Management, right after she moved out of her long-time manager Popoy Caritativo.

Ang Triple A rin ang in charge sa showbiz careers nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Whatever, when asked if she regrets her marriage with Tom, she immediately said yes!

But does Carla Abellana still believe in love after her breakup with Tom?

Anyhow, there are some talks that Tom is coming back to the Philippines from the U.S. and would go active once again in his showbiz career.

Dahil pareho silang under contract sa GMA-7, ready na ba si Carla na makasalubong kung saka-sakali ang kanyang ex-husband?

“Inevitable po yon. Of course, matagal ko na pong naisip yon. Na-prepare ko yung sarili ko.

“Parang wala na po,” she went on.

“Wala na akong mararamdaman kung sakali man pong mangyari yon…”

Pag dumating raw ang araw na iyon, kaya na niyang harapin si Tom.

“Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot o malulungkot, parang gano’n.

“Ako naman po ay napaka-professional na tao. So, kung sakaling nasa studio po siya, o kunwari ay may show po, kung nandu’n po siya, wala pong problema.

“Kumbaga, trabaho lang po.”

But in the event na magkasalubong raw sila, hindi siya ang unang babati.

“Ayoko po because andami ko pong inaatupag, kailangang isipin.

“Hindi naman po. I don’t see the need (to greet first). I don’t think it’s necessary na magkaroon pa ng ganong initiative, attempt, o reach out.

“Hindi naman po kailangan. Hindi na po manggagaling sa akin,” she said in earnest.

Sa tanong na kung maka-move on na siya, straightforward na sinagot niyang, oo. Naka-move on na raw siya.

“Nahanap ko na po yung aking peace, yung talagang nasara ko na po yung chapter na iyon ng aking buhay.

“Lagpas-lagpas pa po, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya po.

“Definitely masaya po ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati po sa kung sino ako today.”

Sa posibilidad na maging magkaibigan sila ni Tom, open raw siya sa ganu’ng possibility.

“Yung mga hindi nga natin akalain na hindi posible, nangyayari po. Yung mga akalain nating mangyayari, hindi nangyayari.

“Kumbaga, sa buhay po, napakadami pong kaganapan na unpredictable. So, ayoko pong… kumbaga, tuldukan o maging definite sa anumang bagay. So, anything can happen.

“So, wala po akong gustong i-finish, i-finalize, i-set…” Pete Ampoloquio Jr.