Home ENTERTAINMENT Carla, engaged na!

Carla, engaged na!

285
0

Manila, Philippines – It’s now official: engaged na si Carla Abellana sa kanyang nobyo!

Makikita ito sa post ng Kapuso actress nitong December 1 sa Instagram.

Una muna siyang nag-post ng tatlong white heart emojis.

Sinundan ito ng verse (29:11) mula sa aklat ni Jeremiah na may kalakip ng larawan ng mga kamay nila ng nobyo na magkahawak.

Pero agaw-pansin ang suot na engagement ring ni Carla–patunay na nalalapit na rin ang anunsyo ng pagpapakasal niya sa nobyong hanggang ngayo’y nananatiling hindi pa niya naipakikilala sa publiko.

Sa comment section, bumuhos ang mga pagbati mula kina Rabiya Mateo, Jessy Mendiola, Nikki Valdez, Max Collins, Jodi Sta. Maria, Vaness del Moral, Isabel Oli, Mav Gonzales, Sam YG at Benjamin Alves.

Nauna rito, naiulat na isang garden wedding ang magaganap sa darating na December 27.

Pero mas gustong gawing pribado ni Carla ang mga ganap sa kanyang buhay maliban sa paglipat niya sa kanyang dream house kasama ang kanyang pamilya.

Carla was previously married to Tom Rodriguez pero napawalang-bisa na ang kanilang kasal. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here