Home ENTERTAINMENT Carla na-starstruck kay Bea!

Carla na-starstruck kay Bea!

Manila, Philippines – First time na nagkatrabaho sina Carla Abellana at Bea Alonzo via Widows War na bagong teleserye ng GMA 7.

Vocal ang una sa pagsasabi na hanggang ngayon, naii-starstruck pa rin siya sa huli kahit ilang buwan na silang nagkakatrabaho.

“E, kasi, Bea Alonzo yan. Pinapanood ko lang siya before. Hindi pa ko artista.

“Sabi ko nga, wishful thinking na makatrabaho ko siya, kasi never kong inakala talaga na magkakaroon ng ganitong opportunity.

“So, iba. Iba ang ganda niya, ang husay niyang umarte. Parang ang hirap na hindi ma-startstruck kapag kaeksena mo na siya,” sabi ni Carla.

Parehong single sina Carla at Bea.

Napag-uusapan ba nila ang tungkol sa kani-kanilang lovelife?

“Hindi!” sagot ni Carla.

Paliwanag niya, “Ako naman kasi, hindi ako yung palatanong din or yung type na inaalam ang personal na pinagdadaanan ng co-actors ko or what.

“Siya, hindi rin nagtatanong. As in, completely wala talaga pagdating sa taping.

“Yung personal, walang singit sa trabaho.”

Hindi pa raw masabi ni Carla na may nabuong friendship sa pagitan nila ni Bea dahil kadalasan ay puro trabaho lang sila sa set.

“Ako rin yung type na pagdating sa trabaho, pagdating sa set, sobrang professional lang.

“As in, for me, work is work.

“Nahihiwalay ko, pero iba ang personal sa work talaga.

“Si Bea naman, ganun siya katutok sa role niya, sa show. Alam mong she means business kapag nasa set lang.

“But of course, kapag may opportunity, like sa kanyang business, na-invite niya ako sa event niya, yung mga ganung bagay.”

Sana raw ay mabigyan sila ng pagkakataong mas magkakilanlan kapag lumuwag ang kani-kanilang schedule.

“Kasi, ilang beses na rin kaming nagkakayayaan na mag-dinner, lumabas, pero hindi natutuloy dahil sa schedule namin,” sabi pa ni Carla. Rommel Placente