Home ENTERTAINMENT Carla, sinabing ‘nepo-baby’ si Kitty, nabawasan ng followers!

Carla, sinabing ‘nepo-baby’ si Kitty, nabawasan ng followers!

346
0

Manila, Philippines – Nais ipa-realize ng ilang netizens ang “consequence” ng pagpo-post sa Facebook ng mga bagay na hungkag sa research.

Otherwise, pag ganoon ay asahang mababawasan ang iyong followers.

This is what exactly happened sa kaso ni Carla Abellana.

Ni-repost kasi ng Kapuso actress ang listahan ng mga tinaguriang Nepo babies.

Kabilang doon si Kitty Duterte, bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

May mga kasama ring larawan kung saan ipinakikita ang mga mamahaling bag ni Kitty.

Tulad ng inaasahan, inalmahan ‘yon ng mga DDS.

Anila, kulang daw sa research o pananaliksik ang ginawa ni Carla.

For one, may trabaho naman daw si Kitty na isang endorser.

In short, unfair na paratangang umaasa lang siya sa kanyang mga magulang.

Ikalawa, hindi rin daw masasabing sobrang expensive o maluho ang mga flexed bags niya.

Dahil nagtatrabaho naman siya, deserve daw nito if she lives in style.

Ang alam namin, Carla is not solely to blame for it.

May FB admin that takes care of posts.

Pero exception ang isang post ni Carla kung saan binarag ng aktres ang nawawalang dalawang sasakyan ng mga Discaya, ayon sa abogado ng couple.

“A piece of bullsh*t!” post ni Carla na sinang-ayunan naman ng ibang netizens who believe so.

Gayunpaman, there are still many Discaya sympathizers who are up in arms against Carla.

But knowing Carla, mukhang no amount of hate toward her will ever stop her from speaking her mind.

Atta girl! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here