Manila, Philippines – Tumataginting na P5 million ang inilaan ni dating Ilocos Sur Governor
Chavit Singson para sa two-time gold medalist ng Paris Olympics na si Carlos Yulo.
Pero nilinaw ni Singson na hindi lang pabuya ang nasabing halaga kundi para sa pagkakaisa ng Yulo family at ng nobya ni Carlos na si Chloe San Jose.
Matatandaang naging isang malaking isyu ang ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng 24 anyos na atleta at ng kanyang inang si Angelica.
Damay rin in the process si Chloe.
But all that is water under the bridge.
Out of goodwill, may regalo si Singson kay Carlos na aniya’y “for the strength and unity of his family.”
Naniniwala ang dating pulitiko na ang pamilya ay mahalagang pundasyon, short of stressing its importance as the basic unit of society.
Ang tagumpay raw na tinatamasa ninuman ay nagmumula sa suporta at guidance o paggabay ng pamilya.
Kung tutuusin, ang limang milyong pisong regalo ni Singson ay drop in the bucket lang.
Intrinsically though, it’s not the amount that matters but rather the intention of the giver that is hoped to bring about positive change in the life of the recipient.
Since the P5M gift is at Carlos’ disposal, malaya niya itong maibabahagi among his family members, Chloe included.
After all, Chloe– sa tanggapin man ng ilan o hindi–had served as Carlos’ beacon of inspiration in the realization of his Olympic dream.
Samantala, naging espesyal na panauhin sa live episode ng Eat Bulaga si Carlos nitong August 15, Huwebes.
Inaaasahang dadami pa ang mga TV rounds ng binansagang Golden Boy. Ronnie Carrasco III