Ito raw ang mayroon ang two-timè gold medalist ng Paris Olympics na si Carlos Yulo para maging tulay tungo sa tuluyan nang pakikipag-ayos sa kanyang mga magulang.
Matatandaang sa kasagsagan ng nakaraang Olympics ay nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Carlos at ng kanyang inang si Angelica.
‘Di naglaon, nakisali na rin ang padre de familia na si Mark Andrew.
Maging ang iba pa nilang mga anak na nagtatampo rin kay Carlos ay kasali na rin.
Ngayon, balitang may “pakawala” na padrino ang binansagang Golden boy na kumakausap sa Yulo couple.
Ayon sa naatasang mersenaryo, tuma-timing lang daw si Carlos at pasasaan ba’t siya na mismo ang lalapit sa kanyang mga magulang.
As it is now, nakikiramdam daw si Carlos.
Ayon naman sa kampo nina Angelica at Mark Andrew, hindi na raw kailangan ng anak na gumamit ng magtutulay sa kanila.
All that Carlo–according to them–needs to do ay pumunta lang sa bahay nila.
Doon pa rin naman daw naninirahan ang mga ito.
Hirit pa ng mga ito na kung maaari’y huwag nang ipa-media ni Carlos ang kanilang napipintong pag-aayos.
Kung totoo mang balak talaga ni Carlos na makipagkasundo sa kanyang mga magulang, isasama niya kaya ang nobyang si Chloe San Jose?
And if ever Carlos tags her along, tanggapin naman kaya ito ng mga magulang ng nobyo niya?
But who knows, baka happy ang ending nito.
Hindi nga ba’t binalak mismo ni
Chloe na i-gather ang Yulo at San Jose families over dinner together kung hindi lang nagkagulu-gulo? Ronnie Carrasco III