Home ENTERTAINMENT Carmina, may patama na naman kay Darren!

Carmina, may patama na naman kay Darren!

Manila, Philippines – Ina-assume nga lang ba ng mga netizens na pinatamaan na naman ni Carmina Villaroel si Darren Espanto sa kanyang Instagram story nitong April 11?

Matatandaang bago nito–as in a day or so ago–ay kapwa naglabas ng separate cryptic post ang mag-inang Carmina at Cassy Legaspi believed to be their reaction to Darren’s statement na wala itong nobya.

Ito’y bilang sagot ng singer sa tanong ni Vice Ganda who was the assigned host sa Karaoke Kids segment ng It’s Showtime.

Ito ‘yung episode na guest si Jillian Ward.

At the same time, nilinaw ni Darren na matalik lang daw silang magkaibigan ni Cassy, thus belying speculations na magkasintahan sila.

Kaagad namang nag-post ng art card si Carmina na nakasaad na: “Don’t expect the same in return.”

Pinaniniwalaan ng mga netizens na addressed ang art card na ‘yon kay Cassy para gumaan ang kalooban nito sa tinuran ni Darren.

For Cassy’s part, naglabas naman ito ng screenshot ng lyrics ng awitin ni Olivia Rodrigo na Favorite Crime.

May himig ng hanash ang mga titik na ito mula sa isang “spurned lover.”

Nitong April 11, muli na namang pinagpiyestahan ang cryptic post ni Carmina.

Posted on her IG story, Carmina wrote: “Have faith that when things don’t work out, God may be protecting you.”

Believed to be meant for Cassy again, maaaring iniaadya ang kanyang anak sa kapahamakan ng Nasa Itaas kung hindi man umaayon ang mga plano nito according to what she wants.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Darren patungkol sa panibagong post ng TV host-actress.

Pero naniniwala ang mga netizens na intended kay Darren ang cryptic post na ‘yon.

Samantala, balitang napagdesisyunan nang i-drop ng singer ang kanyang apelyidong Espanto.

Simply “Darren” na lang ang pangalang gagamitin nito. Ronnie Carrasco III