Home METRO Carnapper timbog sa hot-pursuit sa Rizal

Carnapper timbog sa hot-pursuit sa Rizal

119
0

KALABOSO ang isang lalaki makaraang holdapin nito ang taxi driver na kanyang sinakyan at tangayin ang taxi ng biktima Martes dakong alas-11:55 ng gabi sa Aurora Subdivision, Barangay San Isidro, Angono, Rizal.

Sa ulat, na nakarating sa tanggapan ni Rizal Provincial Director, PCol. Felipe B. Maraggun, nakilala ang suspek na si Alyas Mark 39-anyos at residente ng nasabing Barangay.

Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon, na sumakay ang suspek sa Aurora Blvd. sa Quezon City at nakiusap na magpahatid sa Angono at pagsapit sa nasabing lugar ay dito na tinutukan ang biktimang 62-anyos ng baril at nagdeklarang holdap.

Nakuha ng suspek ang kinita ng biktima na nagkahalang P1,500.00 at iba pang mga ID’s sabay itinakas ang taxi na kanyang minamaneho na STRONGER taxi na Hyundai EAB 3171 kulay puti

Miyerkules bandang alas-04:30 na ng umga naireport ng biktima ang pangyayari sa himpilan ng pulisya kung saan ay kaagad na nagsagawa ng pinagsamang pwersa ang Angono MPS, Binangonan MPS, Cardona MPS, Morong MPS, Baras MPS, Tanay MPS, Pililla MPS at Rizal Mobile Force Company ng malawakang follow-up at hot pursuit operation.

Bandang alas-05:40 ay agad na naaresto ang suspek san Brgy. Halayhayin sa Pililla makaraang makabanggan nito ang isang tricycle na ikinasugat ng dalawang sakay nito.

Sa ngayon ang suspek ay nakapiit sa Angono Custodial Facility na nahaharap sa kasong robbery with carnapping, reckless imprudence resulting to damage property. Toto Nabaja

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here