Home METRO Carnapping suspects timbog sa Bulacan hot pursuit ops

Carnapping suspects timbog sa Bulacan hot pursuit ops

58
0

Bulacan – Apat na indibiduwal ang naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya na umano’y sangkot sa insidente ng carnapping sa bayan ng San Rafael nitong Mayo 9.

Sa ulat ni PLTCOL Protom Guevarra, Acting chief of police ng San Rafael police station, natuklasan ng biktimang si alyas Vince, residente ng Brgy. Capihan na nawawala ang kanyang kulay asul na Yamaha Mio Amore bandang 7:00 ng umaga noong Mayo 7.

Ayon sa imbestigasyon, iniwang nakaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay noong gabi ng Mayo 6.

Sa nakuhang CCTV footage, isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt, black/gray shorts at itim na sumbrero na namataang pagala-gala sa lugar bandang 4:00 ng madaling araw bago tangayin ang nasabing motorsiklo patungong Brgy. Sabang, Baliwag.

Dahil dito, nagsagawa ng backtracking, intelligence monitoring at nagkasa ng hot pursuit operation ang istasyon kaya naaresto ang mga suspek na sina alyas JM, alyas Anton, alyas Alvin.

Sa patuloy na imbestigasyon, isinangla umano ni alyas Alvin ang nakaw na motorsiklo kay alyas Nard ng Brgy. San Jose, San Luis na kalaunan ay naaresto rin at tuluyang nabawi ang motorsiklo sa follow up operation ng istasyon.

Nabatid na ang mga naarestong suspek at mga ebidensya ay dinala sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang kasong Carnapping at paglabag sa Anti-Fencing Law. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here